Monday, August 24, 2026

π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”: "Senado, magpapatupad ng mahigpit na oversight sa Pax Silica” ni John Resty Merano



Disenyo ni: Dhenmar Lusanta 

Inilathala ni: Julianne Faula Lugod 

Petsang Inilathala: Agosto 24, 2026

Oras na Inilathala: 5:23 PM 

 

Sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na babantayan ng Senado ang Pax Silica initiative upang matiyak ang pangmatagalang benepisyong pang-ekonomiya nito nang hindi isinasakripisyo ang kalikasan, soberanya, at karapatan ng mga lokal na komunidad.

 

Ayon kay Gatchalian, maaaring lumikha ang inisyatibo ng 200,000 direktang trabaho at hanggang 800,000 oportunidad sa trabaho habang isinasagawa ang konstruksyon.

 

Layunin nitong ilipat ang bansa mula sa low-value semiconductor assembly at entry-level Business Process Outsourcing (BPO) tungo sa high-value technology sector.

 

Tiniyak naman ng mga kinatawan ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na sasagutin ng mga dayuhang investor ang pangangailangan ng proyekto sa imprastraktura, tubig, at kuryente nang hindi umaasa sa kapital ng pamahalaan o nagpapabigat sa kasalukuyang power grid.

 

Inaasahang magsisimula ang pangunahing infrastructure development sa huling bahagi ng 2027, habang inaasahang papasok ang unang manufacturing locator sa 2028.

 

Isasagawa naman ang mineral processing operations sa magkakahiwalay na regional nodes sa labas ng New Clark City upang maiayon ang mga pasilidad sa mga lokasyon ng pagmimina.

 

Pinangunahan ni Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change Chairman Raffy Tulfo ang pagsusuri sa proyekto, partikular sa usapin ng sovereign land ownership at toxic processing waste.

 

Iginiit ni Tulfo ang agarang pagpasa ng National Land Use Act upang magkaroon ng malinaw na balangkas sa paggamit ng lupa, maprotektahan ang kapaligiran, at maiwasan ang hindi kontroladong development sa mga vulnerable sector.

 

Hiniling naman ni Sen. Bam Aquino ang tumpak na census ng mga pamilyang maaaring maapektuhan ng proyekto matapos mapansin ang pagkakaiba sa opisyal na bilang at mga pahayag ng komunidad tungkol sa posibleng displacement.

 

Iginiit din ni Aquino na dapat magkaroon ng binding guarantees mula sa BCDA na walang demolition na isasagawa nang walang naunang kasunduan sa mga maaapektuhang komunidad.

 

Samantala, kinilala ni Sen. Francis Pangilinan ang potensiyal ng Pax Silica na makatulong sa bansa na lumipat mula sa pag-export ng hilaw na mineral tungo sa advanced manufacturing at artificial intelligence (AI) industries.

 

Binigyang-diin ni Pangilinan na kailangang matiyak ang katuparan ng mga pangako sa technology transfer at mga safeguard laban sa polusyon, displacement, at iba pang epekto sa kapaligiran.

 

Patuloy na susuriin ng Senado ang proyekto upang matiyak na maisasakatuparan ang mga pangakong pang-ekonomiya habang napoprotektahan ang kapaligiran, komunidad, at karapatan ng mga maaapektuhan.

 

MGA SANGGUNIAN:

[1] Fernandez, B. (2026, August 17). Gatchalian vows ‘strict Senate oversight’ over Pax Silica. BusinessMirror. https://share.google/T0ZGuDpAE25Ef5deC

 

[2] Gatchalian, W. (2026, August 16). Gatchalian: Senate to maintain strict oversight over Pax Silica initiative. Win Gatchalian. https://share.google/L6EFy5AotVJkTPK51

 

[3] Superable, R. (2026, August 16). Senate to keep close watch on Pax Silica. Manila Standard. https://share.google/jhTyZdKzC2evV8Dck

 

[4] TVN. (2026, August 16). Gatchalian: Senate to keep strict watch on Pax Silica. The Voice Newsweekly. https://share.google/50FEGQBdO2EaGz1SS

 

[5] Valente, C. S. (2026, August 17). Senate to maintain strict oversight over Pax Silica initiative. Manila Times. https://share.google/dphkic1glbNT10wkk

π—Ÿπ—”π—§π—›π—”π—Ÿπ—”π—œπ—‘π—š π—£π—”π—‘π—š-π—”π—šπ—›π—”π— : "Lihim na Alkimya: Ang Sining ng Pagpapaalsa ng Sourdough" ni Keira Loraine Lagarde

 


Disenyo ni: Dhenmar Lusanta

Inilathala ni: Rianna Isabel M. Tan

Petsang Inilathala: Agosto 24, 2026

Oras na Inilathala: 4:53 PM


Sino ang mag-aakala na sa loob ng isang simpleng piraso ng tinapay na ating kinakain, may nagaganap na proseso araw at gabi na siyang humuhubog sa kabuuang kalidad nito?


Ang baking ay isa sa mga pinakanakatutuwang gawain, lalo na ang paggawa ng sourdough bread. Sa kabila ng atensyong natatanggap ng tinapay na ito, madalas na sa pisikal na anyo lamang nakatuon ang mga tao nang hindi nakikilala ang proseso sa likod ng buhay na kalikasan ng sourdough—ang arabinoxylans (AX) o mga fiber. Ang pag-unawa sa prosesong ito ang susi upang ang simpleng gawain ay maging hakbang tungo sa functional nutrition kung saan ang pagkain ay naglilingkod na sa ating kalusugan bago pa man natin ito matikman.


PAANO GUMAGANA ANG ARABINOXYLANS (AX)?

Kung ang tinapay ay isang gusali, ang mga AX fiber ang nagsisilbing mga bakal na haligi nito. Ayon sa isang pananaliksik noong 2025 sa Vrije Universiteit Brussel na pinangunahan ni Victor Gonzalez Alonso, ang pagpapayaman sa harina gamit ang mga AX fiber ay nagpapabago sa sourdough sa pamamagitan ng pag-arte bilang isang pundasyon o structural scaffold para sa masa. 


Gumagana ang mga fiber na ito tulad ng mga mikroskopikong sponge na nagpapataas ng paghahawak ng tubig at kapal ng masa. Ito ang tumutulong sa tinapay na mapanatili ang hugis nito at mas epektibong makulong ang mga carbon dioxide bubbles, kaya nakakamit ang hinahanap-hanap na magaan na tekstura.


Bukod dito, nagbibigay rin sila ng ligtas na kapaligiran at tuloy-tuloy na pagkain para sa lactic acid bacteria (isang grupo ng mga kapaki-pakinabang at "friendly" bacteria), na nagtitiyak ng mas matatag na pagpapaalsa at mas malusog na tinapay na mayaman sa probiotics. 


Ang maasim na sourdough ay nagpapagana sa mga likas na enzyme na nagbabago sa AX, na naghihiwalay rito sa mas maliliit at madaling matunaw na mga bahagi upang maging maayos ang panloob na mekanismo ng masa.


ANG LABORYO NG GUT HEALTH: PREBIOTICS VS. PROBIOTICS 

Upang maunawaan kung bakit itinuturing na "superfood" ang sourdough, kailangan nating makilala ang pagkakaiba ng mga manggagawa at ng panggatong sa loob ng ating digestive system. 


Ang mga prebiotic ay mga fiber na hindi natutunaw ng katawan na nagsisilbing pagkain para sa friendly bacteria na nakatira na sa iyong tiyan. Ang mga probiotic naman ay ang "friendly" bacteria na matatagpuan sa sourdough starter.


Karamihan sa mga komersyal na tinapay ay mabilis na ginagawa gamit ang commercial yeast kaya nananatiling matigas at buo ang mga gluten. Ngunit sa sourdough, ang mga bacteria ay naglalaan ng ilang oras upang i-pre-digest ang masa. Bago mo pa man ito makagat, naisagawa na ng mga manggagawa ang paghihiwalay sa mga kumplikadong protina at starch kaya magaan ito sa tiyan at naiiiwasan ang pakiramdam ng pagkabundat o "food coma" pagkatapos kumain.


ANG RESULTA: TINAPAY NA SIKSIK SA NUTRISYON

Ang panloob na prosesong ito ng pre-digestion ang mismong dahilan kung bakit maganda ang sourdough sa kalusugan. Sa panahong ito, winawasak ng lactic acid bacteria ang gluten at pinaiiral ang pagkawala ng bisa ng mga phytate. Dahil ang mga "anti-nutrient" na ito ay karaniwang humaharang sa pagtanggap ng mineral sa katawan, ang pagtatanggal sa kanila ay nagbibigay-daan upang mas masipsip ng iyong katawan ang mga mahahalagang nutrisyon tulad ng zinc at magnesium.


Bukod dito, ang mga fiber ng arabinoxylans ay gumagana bilang mga likas na prebiotic na nagsisilbing mahalagang pagkain para sa mga malulusog na bacteria sa iyong digestive system. Bagama't ang mga sourdough starter ay medyo kakaibang tingnan habang gumagalaw at bumubula sa mga bidyo sa internet, ang isang piraso ng tinapay na ito ay naghahatid ng napakaraming benepisyo na kailangan ng katawan ng tao.


MGA SANGGUNIAN:

Alonso, V. G. (2025). Impact of arabinoxylan-enriched wheat flour on sourdough production [Doctoral dissertation, Vrije Universiteit Brussel]. https://share.google/AwZsyGxPsLxHBJgbs


Mayo Clinic Health System. (2024, January 23). Sourdough bread: Health benefits and why it’s good for your gut. https://communityhealth.mayoclinic.org/featured-stories/sourdough-bread-benefits


Mayo Clinic. (2025, April 25). Probiotics and prebiotics: What you should know. https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/expert-answers/probiotics/faq-20058065


Phys.org. (2026, January 17). What really happens inside sourdough? Scientists uncover the secret life of wheat fibers. https://share.google/LIJCeA6v0yKPhejbT

π—£π—”π—‘π—œπ—§π—œπ—žπ—”π—‘: "Hindi Kukupas ang Nakatagong Kasalanan" ni Gwen Agda

 


Inilathala ni: Mardin Rheyziel Nungay

Petsang Inilathala: Agosto 24, 2026

Oras na Inilathala: 1:07 PM


Kategorya: Prosa

Paksa: Likod ng Simbahan


"Bakit po puno ng dugo ang inyong mga kamay?"

Tanong ng isang bata sa pastor na paalis ng simbahan. Hindi sumagot ang pastor, dahil sa mata ng bata, patuloy na tumutulo ang dugo ng mga taong nagkasala sa kaniyang mga kamay.

At sa likod ng simbahang iyon ay nagkalat ang mga tuyong duguang kamay, ngunit malaya pa ring naglilibot ang mga nagmamay-ari ng bisig nito. Nagdarasal nang taimtim ngunit patuloy pa ring dumadaloy ang dugo mula sa kanilang mga braso na ibinubunyag ang mantsa ng kanilang mga kasalanan.

Ang mga dugong ito ay umaagos hanggang sa kanilang mga yapak; gayon pa man, walang sinuman ang tumitingin sa ibaba—sila ay nananatiling nasa taas nakatunganga, kung saan hindi nila nakikita ang kanilang mga makasalanang pagkakamali. Ngunit nakikita ng mga maliliit na bata ang mga yapak na ito, subalit hindi binibigyang-pinapansin ng nagkasala nito.

Nagtaka ang paslit sa kamangmangan ng matanda, dahil sa mata ng mga bata, ang bakuran ng simbahan ay nababalot pa rin ng pulang bahid ng marka. Ngunit sa mga mata ng may gulang, malinis pa rin ang itinakda.

Nakakatawa, hindi ba? Ang simbahan na bahay ng kapatawaran. At sa likod nito, bahay ng mga dahilan at kasalanan.

"Isang beses lang naman."

"Hindi naman masasaktan ang iba."

"Patatawarin din naman ako."

Ang mga dahilang iyan ba ay makapapawi ng mga yapak at may bahid na iniiwan nila? Wala ba silang hiya sa mga magkukuskos sa kanilang mga duguang kamay?

Sa lugar kung saan bulag ang simbahan, nagagawa ng tao ang kahit anumang kasalanan. Maaari silang ngumiti nang may inosenteng mukha, ngunit ang mga yapak na kanilang iniiwan ay mananatiling lubha.

Walang nakakakita sa mga madugong yapak na iyon, maliban sa mga kabataan na hindi napapansin kung saan patungo ang mga bakas—sa lugar kung saan itim ang basbas.


π—Ÿπ—œπ—•π—”π—‘π—šπ—”π—‘: "Ariana Grande, isinama si Cynthia Erivo sa London Concert" ni John Resty Merano

 


Disenyo ni: Dhenmar Lusanta

Inilathala ni: Mardin Rheyziel Nungay

Petsang Inilathala: Agosto 24, 2026

Oras na Inilatala: 12:42 PM


Inimbitahan ni Ariana Grande si Cynthia Erivo bilang special guest sa Eternal Sunshine Tour concert sa O2 Arena, London, noong Agosto 16, kung saan muling nagsama ang dalawang Wicked stars sa entablado.


Naging sorpresa sa mga manonood ang paglitaw ni Erivo sa ikalawang gabi ng London shows ni Grande, na kasalukuyang isinasagawa bilang bahagi ng kaniyang tour.

 

Ginampanan nina Grande at Erivo ang mga karakter na sina Glinda at Elphaba sa pelikulang Wicked at sequel nitong Wicked: For Good. Nakatanggap din ang dalawa ng Oscar nominations para sa kanilang pagganap sa unang pelikula.

 

Sa kanilang reunion, magkasamang nagtanghal ang dalawa ng "For Good" na sinundan ng "Get Happy/Happy Days Are Here Again"  bago matapos ang concert.

 

Ipinagpapatuloy ni Ariana ang Eternal Sunshine Tour, na ipinangalan sa kaniyang ikapitong studio album. Nakatakdang magtapos ang tour sa O2 Arena sa Setyembre 1 matapos ang 10 London dates.

 

Matapos ang tour, plano ni Ariana na pansamantalang bawasan ang kaniyang public appearances upang makapagpahinga mula sa sunod-sunod na promotional activities at public scrutiny.

 

MGA SANGGUNIAN:

Copeland, M. (2026, August 16). Ariana Grande brings out ‘Wicked’ co-star Cynthia Erivo for ‘Happy Days’ and ‘For Good’ at Eternal Sunshine London show. Variety. https://variety.com/2026/music/news/ariana-grande-cynthia-erivo-eternal-sunshine-london-wicked-1236835738/

 

Hudgins, R. (2026, August 17). Ariana Grande brings out ‘Wicked’ costar Cynthia Erivo during London ‘Eternal Sunshine Tour’ show. Us Weekly. https://www.usmagazine.com/entertainment/news/ariana-grande-brings-out-wicked-costar-cynthia-erivo-during-show/

 

O’Brien, C. (2026, August 16). Ariana Grande surprises fans with special guest for ‘mesmerising’ duet on second night of London tour shows. The Sun. https://www.thesun.co.uk/tvandshowbiz/40077919/ariana-grande-surprise-cynthia-erivo-london-tour/


Web Desk. (2026, August 17). Ariana Grande brings out Cynthia Erivo amid performance in London. Geo News. https://www.geo.tv/latest/677891-ariana-grande-brings-out-cynthia-erivo-for-surprise-for-good-performance-in-london

π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”: "Pamamaril ng estudyante sa Ateneo de Zamboanga, kumitil ng dalawang estudyante” ni John Resty Merano


  

Disenyo ni: Monique Baban 

Inilathala ni: Julianne Faula Lugod 

Petsang Inilathala: Agosto 24, 2026 

Oras na Inilathala: 11:07 AM 


Nasawi ang dalawang estudyante matapos ang pamamaril ng isang Grade 8 student sa Ateneo de Zamboanga University (AdZU) sa Zamboanga City noong Martes, Agosto 18.

 

Kinumpirma ng AdZU ang pagkamatay ng dalawang indibidwal, kabilang ang isang Grade 10 student at ang itinuturong suspek na nasawi matapos ang insidente sa Junior High School campus.

 

Ayon sa mga awtoridad, dalawang baril ang dinala ng suspek sa paaralan, kabilang ang isang karaniwang pistola at isa pang baril na may conversion upang magmukhang assault rifle.

 

Natagpuan din ng mga pulis ang bag na pinaniniwalaang ginamit ng suspek sa pagdadala ng mga baril, kasama ang isang magazine ng bala.

 

Iniimbestigahan ng mga awtoridad kung paano nakapasok ang suspek sa paaralan dala ang mga baril, kabilang ang posibilidad na nagkaroon ng pagkukulang sa pag-iingat ng isang baril na pagmamay-ari ng isang opisyal ng Bureau of Customs (BOC).

 

Pansamantalang inalis sa puwesto ang nasabing opisyal habang iniimbestigahan ang pagmamay-ari at pangangalaga sa baril na iniulat na nagmula sa kaniyang kagamitan.

 

Samantala, sinusuri ng mga imbestigador ang gaming at messaging history ng suspek upang matukoy ang mga posibleng dahilan sa likod ng insidente, ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla.

 

Iniulat din ng mga awtoridad na nag-livestream ang suspek habang isinasagawa ang insidente, habang patuloy na sinusuri ang mga kuha mula sa closed-circuit television (CCTV) at mga pahayag ng mga saksi.

 

Agad na inilikas ang mga estudyante matapos ang pamamaril, habang sinuspinde ng AdZU ang klase sa lahat ng antas at hiniling sa mga magulang at tagapag-alaga na sundin ang mga itinakdang proseso para sa ligtas na pag-uwi ng kanilang mga anak.

 

Nakipag-ugnayan ang AdZU sa mga awtoridad at nagtatag ng mga opisyal na daluyan ng komunikasyon upang magbigay ng beripikadong impormasyon sa publiko.

 

Iniutos naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang masusing imbestigasyon sa insidente at hinikayat ang pagpapatibay ng mga hakbang para sa kaligtasan ng mga paaralan.

 

Habang ang Department of Education (DepEd) ay nagpaabot ng psychological first aid para sa mga apektadong mag-aaral at kawani ng paaralan upang matulungan silang harapin ang epekto ng insidente.

 

Hinimok ni Remulla ang publiko na unahin ang kaligtasan ng mga bata at pinaalalahanan ang mga may-ari ng baril na panatilihin ang wastong pangangalaga at responsableng paggamit ng kanilang mga armas.

 

Patuloy pa rin na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang buong pangyayari at iba pang salik na maaaring makatulong sa pagtukoy sa mga dahilan ng insidente.

 

MGA SANGGUNIAN:

[1] Agonoy, L. D. (2026, August 18). Ateneo de Zamboanga confirms 2 dead in campus shooting. Inquirer.net. https://share.google/byzgeJ75kvF9mNSrp

 

[2] Mangaluz, J. (2026, August 18). DILG investigates shooter's gaming, chat history in Ateneo de Zamboanga shooting. GMA News. https://share.google/bMEtLVq5G2rLRBWJg

 

[3] Gomez, J. (2026, August 18). Student kills schoolmate and himself in livestreamed Philippine school attack, official says. AP NEWS. https://share.google/851Xl1NCztWy4TEAK

 

[4] Guinto, J. (2026, August 18). Student killed in Philippines Catholic school shooting. BBC. https://share.google/4WdL7I2IVutvPTEOW

 

[5] Patinio, F. (2026, August 18). BOC relieves father of Ateneo de Zamboanga shooting suspect. Philippine News Agency. https://share.google/mj8oN4CThgFfx6mmL

 

[6] Sajid, I. (2026, August 18). 4 killed, 9 injured in shooting at high school in southern Philippines. Anadolu AjansΔ±. https://share.google/II55VX0TXkSyq99fb

Sunday, August 23, 2026

π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”: “Ikalawang pwesto, nasungkit ng ALTA sa Linggo ng Kabataan Dance competition” ni Ava Graciella Ainza











Mga kuha ni: Jammaica ClamaΓ±a at Rusti Osayan

Inilathala ni: Jellyssa Boniza

Petsang inilathala: August 23, 2026

Oras na inilathala: 11:34 AM


Nagwagi ang Artes Liceo de Teatro Alabang (ALTA) Dance Troupe matapos makuha ang ikalawang pwesto sa Linggo ng Kabataan Dance Competition bilang pagrepresenta sa Lyceum of Alabang matapos sumabak sa SYNC InterDance Competition of Schools 2026 noong Agosto 21, 2026 sa Muntinlupa Sports Complex.

Isinagawa ang paligsahan na may temang "Different Context, Different Aspirations," na pinangunahan nina Clarence Santero, Darryl Cainday, at Jaylo Arnasan bago ipinakilala si Youth Affairs and Sport Development Office (YASDO) Youth Division Head Anya Dangel para sa panimulang talumpati.

"Ito ay (mga choreography) tungkol sa pinagdadaanan ng mga kabataan sa panahon ngayon, na ating dapat malaman, para ating masolusyunan at matulungan," pahayag ni Binibining Dangel ukol sa tema ng paligsahan.

Nagbihis bilang robot ang ALTA Dance Troupe para sa kanilang konseptong "AI laban sa Tao," gamit ang puting kasuotan at bob-cut na ayos ng buhok. Ginaya rin nila ang galaw ng mga robot upang maipakita ang kilos ng artificial intelligence.

Matapos ang maikling panimula at paglalahad ng rubrik, nagsimula ang mga kalahok sa kanilang paghahanda para sa pagtatanghal, na sinabayan ng mga hiyawan mula sa mga manonood.

Nang magsimula ang kompetisyon, lalong umingay ang suporta para sa ALTA habang sinubaybayan ng mga manonood ang kanilang pagtatanghal mula simula hanggang matapos.

"Favorite ko yung sayaw ng ALTA, ang ganda ng details ng sayaw, tapos ang galing din ng props and costume," komento ng isang manonood.






Thursday, August 20, 2026

π—•π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”π—‘π—š π—”π—šπ—›π—”π— : "Pamamaga sa bituka ng sanggol, posibleng madiskubre gamit ang liwanag" ni Keira Loraine Lagarde

Disenyo ni: Dhenmar Lusanta

Inilathala ni: Beatrice Isabel Miole

Petsang Inilathala: Agosto 20, 2026

Oras na Inilathala: 3:32 PM


Matagumpay na nasubukan ng mga dalubhasa mula sa Lurie Children’s Hospital of Chicago at Northwestern University ang isang teknolohiya gamit ang liwanag na maagang nakatutukoy ng Necrotizing Enterocolitis (NEC) o delikadong pamamaga ng bituka sa mga premature na sanggol nitong 2026.

Ang Broadband Optical Spectroscopy o BOS ay isang handheld na aparato na inimbestigahan nina Dr. Seth Goldstein at Dr. Vadim Backman na gumagamit ng infrared at visible light upang matukoy ang NEC sa mga sanggol na kulang sa buwan.

Ang NEC ay isang delikadong kondisyon kung saan nagkakaroon ng pamamaga at pagkasira sa bituka ng sanggol dahil sa nabawasang pagdaloy ng dugo at oxygen.

Dahil manipis at tila transparent pa ang balat ng mga premature na sanggol, nasusuri ng aparato ang kulay at daloy ng dugo sa bituka nang hindi na kailangan operahan ang pasyente. 

"If I can detect that color change through the abdominal wall without opening it, then I (can) screen for early changes," pahayag ni Dr. Goldstein sa isang panayam kay Brendan Pierson.

Sa isang paunang eksperimento sa daga na isinagawa nina Dr. Goldstein sa Johns Hopkins University School of Medicine noong 2018, napatunayan na gumagana ang teknolohiya nang may 100% katumpakan sa pagsusuri.

Matapos ang tagumpay sa laboratoryo, sinubukan ang teknolohiya sa 96 na premature na sanggol (mga naisilang nang hindi lalagpas sa 36 na linggo) na walang depekto sa tiyan o sakit sa puso mula kapanganakan. 

Sa naturang pag-aaral, matagumpay na natuklasan ng aparato ang sampung sanggol na may malalang kaso ng NEC, at apat naman na may biglaang pagkakabutas ng bituka at iba pang kondisyon sa tiyan.

Matapos ang mga isinagawang eksperimento at pag-aaral, napagtanto na ang BOS ay ligtas at non-invasive na ibig-sabihin ay hindi nangangailangan ng opera upang makapagsuri.

Gayunpaman, nagpaalala ang ilang eksperto na kailangan pa ng mas malawak na pagsusuri bago ito tuluyang gamitin sa lahat ng ospital. Ayon kay Dr. Ravi Patel, Director ng Neonatal Clinical Research sa Emory University sa Atlanta, "Too few cases to know how it would perform in the real world."

Kung mapapatunayan ang pagiging epektibo nito sa mas malawak na pagsusuri sa hinaharap, maaari itong maging isa sa mga pinakamahalagang tuklas sa larangan ng neonatal medicine.


MGA SANGGUNIAN:

Dodd, A. C., Lehane, A. J., Lee, A., Hurlock, A., Su, Y., Ilahi, I., Lautz, T. B., Backman, V., & Goldstein, S. D. (2026). First-in-human pilot study of broadband optical spectroscopy (BOS) as noninvasive surveillance for necrotizing enterocolitis (NEC). Journal of Pediatric Surgery, 61(5), 162978. https://doi.org/10.1016/j.jpedsurg.2026.162978


Ginglen, J. G., & Butki, N. (2023, August 8). Necrotizing enterocolitis. StatPearls Publishing; National Center for Biotechnology Information. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK513357/


Goldstein, S. D., Beaulieu, R. J., NiΓ±o, D. F., Chun, Y., Banerjee, A., Sodhi, C. P., & Hackam, D. J. (2018). Early detection of necrotizing enterocolitis using broadband optical spectroscopy. Journal of Pediatric Surgery, 53(6), 1192–1196. https://doi.org/10.1016/j.jpedsurg.2018.02.083


Pierson, B. (2026, August 15). A light-based scan could detect deadly bowel disease in preterm babies. Science News. https://www.sciencenews.org/article/light-scan-deadly-bowel-disease-babies